Thursday, October 31, 2013

PNP, hindi uubrang BETs

Kontra ang pamunuan ang Philippine National Police (PNP) na kunin bilang Board of Election Tellers (BETs) tuwing halalan ang kanilang mga tauhan gaya ng nangyari nitong barangay elections.


Sinabi ni PNP Deputy Director General for Operations Felipe Rojas na kung palagi na lamang gagamitin ang mga pulis bilang BETs ay masasakripisyo ang kabuuang serbisyo nila.



Aniya, mas mabuting nakasentro lamang sa pagpapanatili sa seguridad sa eleksyon ang trabaho ng pulisya.


Ipinaliwanag ng opisyal, na kahit tatanggap ng honorarium ang mga pulis na nagsilbing BET nitong barangay elections ay ‘di hamak na mas malaki pa rin ang sariling gastos sa pagpapadala sa kanila sa mga probinsya sa Mindanao bilang kapalit ng mga gurong ayaw magsilbi bilang BET.


Sa report ni Police Director Lina Sarmiento ng police community relations group, may1,649 na pulis ang nagsilbing BET sa halalang pambarangay. Mahigit 700 sa mga ito ay mula sa NCRPO at Region 4A na bumiyahe ng tatlong araw sakay ng bus bago nakarating sa lalawigan ng Maguindanao para magsilbing BET. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PNP, hindi uubrang BETs


No comments:

Post a Comment