KINATIGAN ng Department of Justice (DoJ) ang rekomendasyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales upang patawan ng preventive suspension si Assistant State Prosecutor Diosdado B. Solidum Jr.
Batay sa memorandum ni DoJ Secretary Leila de Lima na may petsang October 30, 2013 para kay Prosecutor General Claro Arellano, ipinararating nito ang pagtanggap ng first endorsement mula sa Office of the Ombudsman.
Base sa kautusan ng Ombudsman na may petsang October 24, 2013, ang respondent na si Solidum ay pinapatawan ng preventive suspension na walang kaukulang suweldo sa loob ng anim na buwan.
Nag-ugat ang kasong administratibo laban kay Solidum sa reklamo ng mga miyembro ng Philippine Airlines Employees’ Association (PALEA) na kanyang tangkang kikilan ng P2.4 million kapalit ng pagpabor sa kanilang kaso laban sa pamunuan ng Philippine Airlines.
Si Solidum ay una nang naaresto ng National Bureau of Investigation sa entrapment operation noong Hulyo sa isang hotel sa Quezon City na naaktuhang tumanggap ng marked money mula sa PALEA.
The post Preventive suspension vs Solidum, kinatigan ng DoJ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment