Wednesday, October 30, 2013

TV5, pinakamalakas sa ‘social media engagement’


Ni Ador Saluta


SA analysis na ginawa ng isang Hong Kong-based social media research firm, napag-alaman na ang TV5 ang nangungunang Philippine broadcast network sa social media engagement. Pinatunayan nito na apektibo ang TV5 sa pagpapalawig ng online presence.



Inilathala ng Adobo magazine ang findings sa isang article gamit ang data mula sa pananaliksik ng Ci-8 Social Media Research. Ayon dito, pinakamataas ang Facebook fan engagement ng TV5 sa nakuhang 45% social media Share of Voice (SOV) kumpara sa 35% ng GMA at 20% ng ABS-CBN.


Halos 1.7 M ang fans ng Facebook page ng TV5, maituturing ito na malaking tagumpay bilang baguhang network na nagsimula lang ng kanilang Facebook page noong 2010.


Sa isang hiwalay na analysis ng Nielsen Pinoy Netizen Study (base sa National Urban data mula sa third quarter ng 2012), naitala na may 45% growth sa mga potential 3-screen users sa bansa mula pa noong last quarter ng 2010. Ito ay epekto ng mas dumarami at lumalawak na paggamit ng Internet ng mga ABC households, teens at ang mga 20-29 year olds.


Natuklasan din sa research ng Nielsen Pinoy Netizen Study na 10 million na ang mga Pinoy na gumagamit ng Internet para mag-share at makinabang sa media content.


Marami na ring online breakthroughs ang TV5, kabilang ang award-winning Interaksyon.com Traffic Navigator, News5Everywhere, Interaksyon app, Pinoy Hoops app, Kristn app, at Balut radio.


Malapit na ring i-launch ng TV5 ang isa pang naiibang app na babago sa nakasanayan nang TV viewing habit ng mga Pinoy, ang TV5 App na maghahatid ng Second Screen Experience sa mga Pilipino sa unang pagkakataon. Sa pamamagitan ng paggamit ng TV5 App sa mobile devices, mai-enjoy ng mga Pinoy ang exclusive supplementary content habang nanonood ng TV5 shows. Masusubukan na ang beta version ng TV5 App ngayong November at mayroon din itong chat function na magbibigay ng real-time interaction sa communities ng TV5 viewers na mas lalo pang magpapaigting sa social media habit ng mga Pilipino.


Samantala, full force ang Rescue5 sa alertong pagtulong at pagbibigay ng public assistance sa mga dadalaw sa sementeryo sa ngayong Undas.


Mula October 31 hanggang November 1, ang Emergency Response Unit ng TV5 News and Information (News5) ay magtatalaga ng 24-hour first-aid stations at public assistance desk sa Manila North at South Cemetery.


Available sa publiko ang mga libreng serbisyo ng Rescue5 tulad ng wheelchair assistance para sa mga senior citizen, blood pressure monitoring, drinking water station (in partnership with Maynilad), libreng tawag (hatid ng Smart Communications), at electronic device charging (mula sa One Meralco Foundation).


“True to our commitment to what we call ‘cause journalism’, Rescue 5 will not just deliver news but will also provide assistance to our Kapatids who will visit cemeteries. People may also call the Rescue 5 hotline 922-5155 for any emergency,” ani ng TV5 Public Service Head na si Sherryl Yao.


Sa pamamagitan rin ng “Aksyon sa Undas” interstitials na ngayon ay umeere na sa TV5 at sa Aksyon TV, nagbibigay ang Rescue5 ng safety tips sa publiko bilang paalala bago sila lumabas ng kanilang bahay at pati na rin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa sementeryo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



TV5, pinakamalakas sa ‘social media engagement’


No comments:

Post a Comment