Wednesday, October 30, 2013

D-League: Mga baguhan, makikipagsabayan

Ni Marivic Awitan


Mga laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

12 p.m. Zambales M-Builders vs Wangs Basketball

2 p.m. Arellano University-Air21 vs Hog’s Breathe Café

4 p.m. Cebuana Lhuillier vs Café France


Apat pang koponan, kabilang ang dalawa pang baguhan, ang nakatakdang sumalang sa unang pagkakataon sa tatlong magkakahiwalay na laban sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2013 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City ngayon.



Unang sasabak ang Wangs Basketball Team kontra sa kapwa baguhan na Zambales M-Builders sa alas-12:00 ng tanghali.


Kasunod nito ang paghataw naman ng Arellano University Chiefs/Air21 laban sa Hog’s Breathe Café sa alas-2:00 ng hapon habang nakatakda din ang debut game ng bagong bihis na Cebuana Lhuillier kontra Café France sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon.


Inaasahang babawi ang Builders sa natamo nilang pagkabigo sa kamay ng kasalukuyang lider na Cagayan Valley Rising Suns noong nakaraang Martes sa kanilang pakikipagtagpo kontra sa Wangs na pangungunahan naman ng Mapua players na sina Jessie Saitanan at Jonathan Banal.


Para naman sa ikalawang laban, magkakasukatan nang lakas para makapagposte ng unang tagumpay ang Chiefs at ang Hog’s Breathe na nasa ilalim ngayon sa paggabay ng bagong coach na si Caloy Garcia ng Letran College sa NCAA.


Nakatakdang sumailalim sa pagmamando ni coach Jojo Villapando, pamumunuan naman ang Chiefs ng kanilang mainstays at mga dating player na sina Rocky Acidre, Isiah Ciriacruz, Allen Etrone at Gerald Lapuz.


Samantala, mayroon ding bagong head coach sa katauhan ni University of the East coach Boysie Zamar, sisimulan ng Gems ang kanilang title seeking campaign kontra Bakers na magsisikap namang bumangon mula sa natamong kabiguan sa opening day sa kamay ng Rising Suns.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



D-League: Mga baguhan, makikipagsabayan


No comments:

Post a Comment