Ni Mac Cabreros
Sinaluduhan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na nagsilbing board of election tellers (BET) sa nakalipas na barangay elections.
“We give due recognition for the job well done,” puri DepEd Undersecretary Alberto Muyot, sa isang pulong balitaan kung saan idineklara ng DepEd na maayos at mapayapa ang halalan sa kabila nang ilang insidente ng karahasan at kaguluhan.
Sinabi pa ni Muyot na handa nilang tulungan ang mga guro na biktima ng harassment mula sa kandidato, kung saan inilista ng Barangay Election Task Force na naganap sa National Capital Region, Autonomous Region in Muslim Mindanao at Region 10 at 12.
Binanggit din ni Muyot na inaasahang matatanggap kahapon ang P2,000 na honorarium at P500 travel allowance mula sa local election officer, samantalang ang dagdag na P300 na honorarium ay hinihintay pa ang approval ng Department of Budget and Management (DBM).
Sa listahan pa ng Task Force, may pitong lugar ang walang election officer at BET, walong ballot-snatching, isang bomb threat, dalawang sunog, limang kulang ang election material tulad ng voters’ list at apat na nakansela ang botohan.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment