Ni Mark Manuel
Nasa red alert status ang Philippine National Police (PNP) sa Central Luzon upang tiyakin ang mapayapa at maayos na paggunita sa All Saint’s Day at All Soul’s Day sa rehiyon.
Sinabi ni Chief Supt. Raul Delfin Petrasanta, Police Regional Office (PRO) director, na ang red alert status ay itinaas bago ang barangay elections noong Oktubre 28 at mananatili hanggang bukas, Nobyembre 2.
Sinabi ni Petrasanta na kabilang sa security measures na kanilang inilatag ang police assistance sa mga highway at pangunahing daan sa rehiyon, at traffic management sa mga rutang patungo sa mga sementeryo at iba pang mga lugar na dinaragsa ng mga tao.
Inilatag din ang Police Assistance Centers para umayuda sa publiko at mga PNP checkpoint upang masawata ang mga masasamang loob sa paggawa ng krimen.
Sinabi niyang ipapakalat ang mga pulis sa iba’t ibang sementeryo sa Central Luzon.
Nagbabala ang Regional Police Chief sa mga dumadalaw sa libingan ng kanilang mga mahal sa buhay laban sa pagbitbit ng armas gaya ng baril, patalim, alak, at iba pang ipinagbabawal na bagay sa mga sementeryo. Magpapakalat din sila ng mga pulis na kay K-9 dogs sa mga terminal ng bus sa rehiyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Upang matiyak naman ang kaligtasan mamimili, sinabi niyang magtatalaga ring mga pulis sa mga mall sa rehiyon.
“Police Mobile Vehicles will also be patrolling various subdivisions in the region to make sure robbers could not do their illegal activities during the observance of All Saints’ Day,” aniya.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment