Wednesday, October 30, 2013

UPDATE: Talunang kandidato na pumatay sa 3 utol, sumuko na

SUMUKO na ang ex-barangay kapitan sa Manapao, Pontevedra, Capiz na pumatay sa kanyang tatlong kapatid sa Iloilo.


Kusang sumuko sa awtoridad ang suspek na si Manuel ”Manlit” Arcenas kasama ang kanyang misis at anak sa pamamagitan ni Pontevedra Mayor Esteban ”Steve” Contreras.


Sumuko ang suspek makaraang pakiusapan ng kanyang misis na harapin ang ginawa sa nanalong barangay kapitan ng Manapao na si Ramon Arcenas at dalawa pang kapatid nito.


Nilinaw naman ni Mayor Contreras na bago sumuko si Arcenas ay nagpadala na ito ng feelers kahapon pa para makipagkita sa kanyang pinagtataguan.


Matatandaan na ikinagalit ng suspek ang kanyang pagkatalo bilang kagawad, gayundin ang anak na si Isabel Arcenas na kumandidato sa pagka-punong barangay na tinalo naman ng kanyang kapatid kaya nagawa niyang imasaker ang tatlong utol.


The post UPDATE: Talunang kandidato na pumatay sa 3 utol, sumuko na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Talunang kandidato na pumatay sa 3 utol, sumuko na


No comments:

Post a Comment