Wednesday, October 30, 2013

15-anyos na dalagita sex slave ng amain

NATULDUKAN na ang pagiging sex slave ng 15-anyos na dalagita sa kamay ng kanyang amain nang makapagsumbong sa kanyang tiyahin ang biktima kahapon ng umaga sa Parañaque City.


Kaagad na iniutos ni Parañaque police chief Senior Supt. Ariel Andrade ang pagdakip sa suspek na si Reneboy Recil, 26, sa kanyang tirahan sa El Durado Dulo, Brgy. Don Bosco matapos maghain ng reklamo si Mira Amper, 41, tiyahin ng biktimang itinago sa alyas “Rica Joy”.


Sa imbestigasyon, madalas umanong galawin ng suspek ang anak ng kanyang kinakasama na ang pinakahuli ay naganap noon lamang Biyernes, Oktubre 25, ng gabi.


Ayon sa pulisya, hindi lingid sa kaalaman ng ina ng biktima na si Anne Gina Amante ang ginagawang kahalayan ng kanyang kinakasama sa sariling anak at madalas ay sinasaktan pa ang dalagita sa tuwing magsusumbong na ginagapang siya ng amain.


Natuklasan din na dalawang buwan nang buntis si Rica Joy batay sa resulta ng isinagawa sa kanyang pagsusuri.


Sinabi ni PO1 Dugenio na sasampahan din nila ng kasong paglabag sa R.A. 7610 o Violence Against Women and their Children ang ina ng bata dahil sa pananakit sa kanyang sariling anak at hindi paggawa ng kaukulang aksiyon kahit batid niya ang ginagawang panghahalay ng kinakasama.


Pansamantalang isinailalim muna sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Rica Joy upang mapagkalooban ng tamang atensiyon sa panahon ng kanyang pagdadalang-tao.


The post 15-anyos na dalagita sex slave ng amain appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



15-anyos na dalagita sex slave ng amain


No comments:

Post a Comment