Wednesday, October 30, 2013

Villamor bagong legal counsel ni Napoles

MATAPOS magbitiw bilang legal counsel si Atty. Lorna Kapunan, si Atty. Alfredo Villamor na ang tatayong abogado ni Janet Lim-Napoles na nahaharap sa kasong illegal detention ng una na isinampa ng whistle blower na si Benhur Luy.


Ayon sa panayam kay Villamor, hindi niya alam ang tunay na dahilan ng pagbitiw ni Kapunan sa negosyante na dawit sa kontrobersiyal na P10 billion pork barrel scam.


Kinumpirma ni Villamor, tuloy ang pagdepensa ng kanilang kampo sa kasong kinahaharap ni Napoles sa Makati City Regional Trial Court Branch 150.


Nabatid pa na hindi dumalo ang legal team ni Napoles sa bail hearing ng korte maliban kay Villamor kaninang umaga.


Una nang kinumpirma ni Kapunan na ang kanyang pagbitiw kay Napoles ay dahil sa seryosong banta sa kanyang buhay matapos tawagan ng isang pulitiko na tumahimik na sa isyu ng pork barrel scam.


Kinumpirma ni Justice Leila de Lima sa radyo na nagbitiw na si Kapunan sa kasong serious illegal detention laban kay Napoles kanina.


Isinagawa ni Kapunan ang pagbibitiw habang isinasagawa ang bail hearing para sa naturang kaso sa Makati Regional Trial Court.


The post Villamor bagong legal counsel ni Napoles appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Villamor bagong legal counsel ni Napoles


No comments:

Post a Comment