Thursday, October 31, 2013

Triplets, quadruplets, aayudahan ng gobyerno

Dapat suportahan ng gobyerno ang mga magulang na nagsilang ng triplets, quadruplets at iba pang multiple births upang makatulong sa pagpapalaki sa maraming anak.


Ito ang iminungkahi nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate, binigyang diin na ang mga anak na bunga ng multiple births ay hindi lamang nangangailangan ng espesyal na pangangalaga kundi dagdag na gastos sa mga magulang.



“Children of multiple births also means additional financial burden to the parents, doubling or tripling the expenses for every child as they grow older, and more so if they have disabilities,” ayon kay Colmenares.


Sinabi naman ni Zarate na bagamat masaya at handa ang mga ina na nagkaroon ng multiple pregnancies, umiiral ang pangamba kung papaano sila susuportahan at susustinihan.


“Corollary to that is the high expenses with extended hospital confinement and frequent hospital visits during the prenatal, delivery and postnatal check-ups including hospital obstetrical care –ultrasound scan, hospital visits, in-patient stay, delivery and postnatal care including admittance of the multiple-birth babies to Neonatal Intensive Care Unit (NICU) after birth,” ani Zarate. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Triplets, quadruplets, aayudahan ng gobyerno


No comments:

Post a Comment