Tuesday, October 29, 2013

SA LIKOD NG MGA NUMERO

Naging mabunga ang paglahok ng Pilipinas sa Anuga 2013 sa Germany noong Oktubre 5-9. Ayon sa ulat ng Department of Trade and Industry (DTI), nakapagbenta ang mga kumpanyang Pilipino sa food fair sa halagang $52.2 milyon na mas malaki kaysa inaasintang $35 milyon ng kagawaran. Sa naibenta sa Anuga 2013 na $20.5M ay mula sa 44 Pilipino na lumahok sa Design for Exports program for the Food Sector na nagtataguyod ng mga produktong niyog, pinya at iba pa.



Kapuri-puri ang pagsuporta ng programang DEFood na lumikha ng Philippine Premium 7 sa maliliit na negosyante nng pagkain at inumin. Minabuti kong suriin ang kalagayan ng export ng Pilipinas, lalo na ng mga pagkain at inumin.


Ayon sa National Statistics Office (NSO), ang kabuuang merchandise exports ng Pilipinas ay may kabuuang $35.002 bilyon mula Enero hanggang Agosto 2013, mababa ng bahagya sa $35.3 bilyon na kinita sa parehong panahon noong 2012. Ang kinita ng bansa mula sa electronic products ay bumagsak ng 13 porsyento mula $15.71 bilyon noong unang walong buwan ng 2012 hanggang sa $13.66 bilyon ngayong taon. Ang mga produktong ito ay kumakatawan sa 39 porsyento ng kabuuang kinikita ng Pilipinas mula sa iniluluwas na mga produkto.


Ang mga numerong aking nakalap ay nagbibigay-linaw sa ilang bagay, gaya ng sumusunod:



  • Napakaliit pa rin ng bahagi natin sa pandaigdig na pamilihan ng mga produktong pagkain, at malaki ang potensiyal na mapalaki ito.

  • Ang mga mamliliit na negosyante natin ay may kakayahang lumikha ng marami pang produkto mula sa mga materyales na katutubo sa Pilipinas.

  • Ang paglahok sa Anuga 2013 ay nagpapakita kung gaano kalayo ang mararating natin sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sector.

  • Ang kahanga-hangang paglaki ng kinikita mula sa produktong pagkain, taliwas sa pagbagsak ng kinikita mula sa electronic products, ay katibayan na kailangang palawakin ang bilang at uri ng mga produktong iniluluwas natin sa pandaigdig na pamilihan. (Durugtungan)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SA LIKOD NG MGA NUMERO


No comments:

Post a Comment