Wednesday, October 30, 2013

KATARUNGAN

“Do not pervert justice; do not show partiality to the poor; or favoritism to the great, but judge your neighbor fairly.”

– Lev 19:15


Minsan, dumarating sa buhay ng tao ang maranasan ang dimakatarungang paghatol ng hustisya. Kahit ginawa na ng abogado ang lahat upang iligtas sa tinatawag na “Unfair Trials” ang kanyang kliyente.



Huwag mawalan ng pag-asa kahit ganito ang nangyari. May nakalaang “Impartial Court” (walang pinapanigang Korte) ang Panginoon para sa mga naghahanap ng katarungan.


Kung ang nagkasala sa atin (legally) ay nakalusot sa batas ng tao, wala siyang ligtas sa batas ng Diyos.


Sinabi ng isang mangangaral;


“God is pleased when justice prevails for He is a just one seeking that justice is upheld at all times.” Nais kong ibahagi ang isang maikling kuwento na nabasa ko.


Isang araw ay nangamoy asupre sa langit. Huli na nang kanilang malaman na pilit tinitibag ng taga-impiyerno ang makapal na pader na naghihiwalay sa langit at impiyerno.


Nagalit ang mga taga-langit at pinagsabihan ang mga tagaimpiyerno. Ang wika nila, “Bawal ang ginagawa ninyo, mananagot kayo.”


Sumagot ang taga-impiyerno, “Eh, di magdemanda kayo! Ewan lang namin kung may makita kayong abogado.”


Ang ilan sa ating kababayan ay hindi alam na may ibinibigay na libreng “Legal Assistance” ang ating pamahalaan kapag may “legal concern” sila. Nandiyan ang PAO (Public Attorney’s Office) tumutulong sila sa mga mahihirap na ipagtanggol ang kanilang sarili.


Tandaan natin ang magandang payo ni Joe Stowell;


“Tungkulin at pribilehiyo ng mga nagtitiwala kay Hesus na maging maganda ang pagtugon nila sa mga taong hindi maganda ang pagtrato o pakikitungo sa kanila. Dapat silang magpakita ng kabutihan sa mga taong hindi naging patas sa kanila. Hindi sila dapat maghiganti.


Pagnilayin natin ang nabasa ko sa Daily Bread;


“Hindi patas ang buhay, pero laging patas ang Diyos.”


Basahin ang Amos 5:15 upang maging gabay natin sa pang-araw-araw na pamumuhay


.. Continue: Balita.net.ph (source)



KATARUNGAN


No comments:

Post a Comment