Sa gitna ng kanilang kinakaharap na kontrobersiya, nanantiling matatag at inaasahang mas lalo pang magiging malakas sa kanilang darating na pagsabak sa Final Four round ng 89th NCAA men’s basketball tournament ang defending champion San Beda College Red Lions.
Nauna nang nalagay sa alanganin ang kampanya ng Red Lions nang maglabasan ang mga balita na kinasasangkutan ng isa sa kanilang beternaong guard na si Ryusei Koga.
Una nang naiprisinta ang ebidensiya ng isa sa mga miyembrong paaralan ng liga sa NCAA Management Committee na umano’y naglaro umano si Koga sa isang liga noong nakaraang Setyembre habang ongoing ang NCAA.
Dahil sa usapin, may posibilidad na ma-forfeit ang apat na panalo ng Red Lions matapos umano ang paglalaro si Koga sa isang liga at mapatawan ang cager ng tatlong larong suspensiyon.
Magiging susi din ito upang mawala ang taglay nilang twice-to-beat advantage papasok sa Final Four round kung saan nauna na silang pumasok bilang top seed.
Habang sinusulat ang balitang ito ay hinihintay pa ang desisyon ng ManCom hinggil sa kaso.
Ngunit sa halip na manlumo, naniniwala ang coaching staff ng Red Lions, sa pamumuno ni head coach Boyet Fernandez, na mas lalo lang nitong pinatatag ang kanyang team at mas pinag-alab ang paghahangad ng mga itong makamit ang ikaapat na sunod na titulo.
“I believed this motivated them even more to go for the crown,” ayon kay Fernandez.
Maging ang kanyang mga manlalaro ay ganito rin ang naging pahiwatig.
Bukod dito, nagpahayag din sila ng kanilang pagsuporta sa kanilang teammate na si Koga sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersiya.
Kapag nagkataon, bababa ang Red Lions sa No. 4 spot at aakyat naman sa top 3 ang Letran, San Sebastian at University of Perpetual, ayon sa pagkakasunod, tungo sa Final Four round.
Dahil dito, mababaligtad din ang sitwasyon dahil sila ang mangangailangan ng dalawang panalo para makapasok sa kampeonato. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment