Tuesday, October 29, 2013

Monthly allowance sa tanod, isinulong

Pagkalooban ng P1,000 monthly allowance ang mga barangay tanod bilang pagkilala sa kanilang gampanin katuwang ng Philippine National Police (PNP) sa pagsugpo sa krimen sa mga barangay.



Ito ang panukala nina Reps. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City) at Maximo Rodriguez, Jr. (Party-list, Abante Mindanao) sa kanilang House Bill 2447 upang higit na magiging masipag at mapagbantay ang mga tanod at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa mga komunidad.


“They can be utilized as sources of intelligence for the PNP by forwarding any and all information on suspicious persons and activities in their respective barangays,” ani Rodriguez.


Binanggit ng magkapatid na mambabatas, ang Section 393 ng Local Government Code na nagsasaad na ang mga opisyal ng barangay, kabilang ang mga barangay tanod, ay dapat tumanggap ng honoraria, allowances at iba pang insentibo alinsunod sa batas o ordinansa. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Monthly allowance sa tanod, isinulong


No comments:

Post a Comment