Thursday, October 31, 2013

Heat, naisahan ng Sixers (114-110)

LEBRON James


PHILADELPHIA (AP)- Umiskor si Spencer Hawes ng 24 puntos at hinirit ang winning basket sa huling bahagi ng fourth quarter upang pamunuan ang Philadelphia 76ers sa panalo kontra sa Miami Heat, 114-110.


Agad na nagging malakas ang Sixers sa pagsisimula pa lamang ng laro kung saan ay naisagawa nila ang kanilang unang 11 buslo at humarurot pa sa nakalululang 26-4 lead. Ngunit binura ng Heat ang pagka-iwan sa ikatlong quarter at lumabas na kayang kontrolin ang laro sa pamamagitan ni LeBron James.



Itinarak ni Hawes ang 3-pointer at pagkatapos ay driving layup para sa 109-108 lead sa nalalabing 2:01 sa orasan.


Ikinasa pa ni James ang dalawang sunod na tsansa upang dalhin ang Miami sa kalamangan, ngunit kumulapso ang kanyang drive sa kalagitnaan ng korte, bukod pa sa nagmintis ang kanyang 6-footer shot sa sumunod na posesyon.


Naimintis rin ni Shane Battier ang kanyang ikapitong sunod na 3-point attempt kung saan ay inilayo ng Sixers ang kalamangan mula sa kanilang freethrow line.


Nagtala si Michael Carter-Williams ng 22 puntos, 12 assists at itinakda ang unang game record sa NBA na mayroong 9 steals para sa Sixers. Inasinta naman ni Evan Turner ang 26.


Nagsalansan si LeBron James ng 25 puntos at 13 assists habang nagambag si Chris Bosh ng 22 sa Miami. Tinanggap ng Heat ang kanilang NBA championship rings noong Miyerkules ng gabi.


Pinagpahinga si Miami guard Dwyane Wade upang pagalingin ang kanyang sore knees. Sinabi ni coach Erik Spoelstra na gusto niyang ibigay kay Wade ang karagdagang pahinga upang makarekober. Nagposte si Wade ng 13 puntos sa Heat para sa kanilang 107-95 win laban sa Chicago noong Miyerkules.


Sa kasagsagan ng kabuuan ng laro, mas humataw ang Sixers bilang isang koponan na may minamataan para sa kampeonato, hindi ang rebuilding. Sina Allen Iverson, Charles Barkley, Julius Erving at Moses Malone ang ilan sa dating Sixers ang nanood sa opening night.


Ngunit inamin ng Heat na magagamit pa rin nila si Wade. Pumasok si Wade sa kanilang locker room na pawing nakabalot na may yelo ang magkabilang tuhod. Sinabi nito na, ‘’just being smart.’’


‘’It was not pre-planned, it was something our trainers and coaches came to me with,’’ pahayag ni Wade. ‘’It’s early in the season, it’s just a precaution.’’


Sinabi ni James na kailangan ni Wade ang makarekober sa kanyang pinsala hanggang sa kinakailangan nito.


‘’If he needs to take the second game of the season, the 30th game, 50th game, 80th game, that’s the way it is,’’ ayon kay James.


Bago ang laban, ang Heat ang double-digit favorite upang talunin ang Sixers, ngunit inasahan nang magkakaroon ng maliit na problema laban sa isa sa pinakamasamang koponan sa NBA.


Dinominahan ng Sixers ang laro ilang oras ng ihayag ni Iverson ang kanyang pagreretiro, tinapos ang kanyang 14-year career.


Nakapagtala si Carter-Williams ng steal at dunk upang buksan ang laro, nag-dunk si Turner sa harapan ni James, habang tinapik ni Hawes ang bola mula sa layup para sa 19-0 run. Nakuha rin ni James ang isang buslo sa natitirang 7:07 sa orasan sa unang quarter upang tapusin ng Miami ang pagkauhaw sa iskor.


Angat pa ang Sixers sa 29-11 kahit pa ang lineup ay kinabibilangan nina Tony Wroten, Lavoy Allen at Daniel Orton sa korte.


Subalit ang Heat ay Heat, ikinasa ang 14-0 run sa second quarter upang ilapit ang iskor sa 51-49 sa halftime.


Humirit si James ng tres na nagdala sa Heat sa one-point game deficit, habang ang inside layup ni Udonis Haslem ang nagbigay sa Heat ng kanilang unang kalamangan sa laro, 60-59. Inasinta ni Ray Allen ang lahat ng apat na 3-pointers sa nasabing quarter, tinipa ni James ang tatlo kung saan ay naitala ng Heat ang napakinit na 10-of-13 mula sa 3-point range sa third quarter. Tumapos sila sa 16-of-22 (73 percent) mula sa kabuuan ng sahig at napalawak ang kalamangan sa 94-85. Ngunit naimintis ng Heat ang 10 sunod sa field goals sa fourth quarter.


Subalit tila si MCW ang tinanghal na MVP sa fourth-quarter para sa Sixers. Hinadlangan nito si James sa linya at tila sadyang kinapos mula sa free-throw line.


PASAKALYE: Hindi dumating ang Heat sa Philadelphia matapos hanggang alas-3:00 ng medaling araw. … Si Brown ay naging assistant para sa Spurs noong nakaraang taon. Sinabi nito na patuloy na dinaramdam niya ang pagkulapso ng San Antonio laban sa Heat sa NBA finals. … Nanood sa laro sina Patti LaBelle at rapper Meek Mill. Dumalo rin si Eagles wide receiver DeSean Jackson at Villanova coach Jay Wright sa laro. … Ang iba pang dating Sixers ang namataan sa korte, kasama na si 1983 championship coach Billy Cunningham, Bobby Jones at World B. Free. … Ireretiro ng Sixers ang No. 3 jersey ni Iverson sa Marso 1.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Heat, naisahan ng Sixers (114-110)


No comments:

Post a Comment