Wednesday, October 30, 2013

Christina Ricci, ikinasal

Cristina Ricci


IKINASAL na si Christina Ricci at ang nobyong si James Heerdegen noong Oktubre 26. Nakumpirma ang balitang ito ng Us Weekly. Ang dalawa at nagsumpaan sa Upper East Side sa New York City.



Ang newlyweds ay binati ng kanilang malalapit na kapamilya at mga kaibigan, sa intimate nuptials na nagsimula 7 p.m. EST sa Harold Pratt House and Peterson Hall. Nakasuot ang blushing new bride ng Givenchy Haute Couture high neck dress na may white beaded long sleeves at mahabang train.


Pagkatapos ng seremonya, nagsaya ang mga bisita sa cocktail hour, dinner, dessert at sayawan. Mayroon ding candy table na may mga bag na puno ng special treats na mismong si Christina ang bumili mula sa Economy Candy sa Lower East Side, para sa mga may sweet tooth.


Eksklusibong pinaputok ng Us ang balita noong Pebero na si Cristina, 33, at Heerdegen ay engaged na. “Yeah,” pagkumpirma ng Addams Family alum sa Us sa Grove sa L.A. “[We got engaged] a couple months back.” At the time, the brunette beauty was helping to unveil the Make Up For Ever Remix Make Up Bag and Make Up For Ever Mobile Tour.


Ang dating Now and Then star at si Heerdegen ay nagkakilala sa set ng ABC series ni Cristina na Pan Am noong 2011. Pebrero 2012, eksklusibong nakumpirma ng Us ang kanilang relasyon. Umugong ang mga balita ng engagement nang makita si Cristina na nakasuot ng singsing noong Oktubre ng kaparehong taon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Christina Ricci, ikinasal


No comments:

Post a Comment