Oktubre 31, 1941, nakumpleto at handa na para sa dedication ang Mount Rushmore. Kilala rin bilang “President’s Mountain,” ang Mount Rushmore ay matatagpuan sa Black Hills, South Dakota. Nais ng nagpasimuno ng proyekto na si Doane Robinson na mas maraming tao ang bumisita sa South Dakota.
Isinangguni ito ni Robinson sa noo’y US President Calvin Coolidge, Sen. Peter Norbeck, at Rep. William Williamson, at John Boland para makakuha ng suporta ang proyekto. Inistablisa ng Congress ang Mount Rushmore National Memorial Commission, at nagkasundo na maglaan ng hanggang $250,000 pondo para sa proyekto. Noong 1933, humalili sa proyekto ang National Park Service.
Ang apat na US president ay sina George Washington, Thomas Jefferson, Theodore Roosevelt, at Abraham Lincoln. Inabot ng 14 na taon bago nakumpleto ang mga iskultura at ginastusan ng $989,992.32. Walang iniulat na nasawi habang ginagawa ng proyekto.
Ang orihinal na istruktura ni Thomas Jefferson ay binomba at muling binuo sa kabilang bahagi ng bundok. – Monch Mikko E. Misagal/MB Research
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment