Thursday, October 31, 2013

‘It’s Showtime,’ waging-wagi sa ratings

Ni Ador Saluta


HINDI kataka-taka kung bakit usap-usapan ng buong bayan It’s Showtime dahil sinubaybayan ng madlang pipol ang pasikatan at patalbugan ng hosts sa kanilang Magpasikat Week bilang bahagi ng kanilang ikaapat na anibersaryo.


Dahil dito, ratsada sa pamamayagpag sa ratings ang noontime show ng Dos.



Panalo ang Show time laban sa katapat nitong Eat Bulaga ng GMA sa national TV ratings na 14.3 % vs 13.2 % (Oct 21); 15.9% vs 13.2% (Oct 22); 16% vs 13% (Oct 23); 18.5% vs 12.8% (Oct 24); at 18.2% vs 13.3% (Oct 25).


Pinanood at naging trending sa marami nating kababayan ang Kapamilya noontime program noong Sabado (Oct 26) nang itanghal na grand champion ng Magpasikat Week ang team nina Karylle, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz. Kaya naman mas lalo pang lumaki ang lamang ng Show time sa national TV rating na 19.6% laban sa 12.1 % ng Eat Bulaga.


Ang napiling charity nina Kary Ike, Jugs at Teddy ang tatanggap ng P200,000 na kanilang napanalunan sa patuloy na pinag-uusapang performance na pabaligtad nilang kinanta ang theme song ng It’s Show time.


Tinalo nila sina Vice Ganda at Kuya Kim Atienza na naging first runner-up at nagkamit ng P150,000, at second runnerup naman ang team nina Billy Crawford, Vhong Navarro, at Coleen Garcia na nakatanggap ng P100,000 para rin sa kanilang charity.


Consolation prizes naman ang tinanggap nina Anne Curtis at Jhong Hilario at Ryan Bang-Eruption Tai.


Ang Magpasikat Week ay naging annual tradition na ng hosts ng It’s Show time tuwing ipinagdiriwanang kanilang anibersayo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘It’s Showtime,’ waging-wagi sa ratings


No comments:

Post a Comment