Maraming Pinoy ang matataba ngayon bunsod ng pagkain ng junk foods. Batay sa rekord ng World Health Organization, patuloy sa pagdami ang bilang ng matatabang tao ngayon. May 2.8 milyon daw ang nangamamatay (hindi nasasawi) dahil sa katabaan o obesity!
Dahil dito, isang mambabatas ang nagpanukala sa paglikha ng isang Healthy Lifestyle Office upang imulat sa mga Pilipino, kabilang ang mga empleado na laging nakaupo, ang panganib na dulot ng pagiging mataba o obese. Layunin ng panukala na makapag-plano, maka-develop at makapagpatupad ng pambansang programa na magsusulong at susuporta sa mga aktibidad upang mapagtuunan ng pansin ng mga Pinoy ang kahalagahan ng malulusog na pangangatawan!
Mga kababayang matataba, konting kain na lang at saganang exercise!
Mapapalad pa rin ang mga kababaihan sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa, tulad ng Saudi Arabia. Sa Pinas, malaya ang mga Pinay na kumuha ng driver’s license para makapagmaneho. Sa Riyadh, isang conservative Saudi Arabian cleric ang nagsabi na masama sa babae roon ang magmaneho dahil napipinsala raw ang kanilang obaryo. Hindi raw makapag-aanak. Eh, kung totoo na masama ang pagmamaneho, bakit kayraming anak ang mga Pinay na nagmamaneho?
Sa Saudi Arabia, tanging ang lalaki ang binibigyan ng driver’s license sa “male-only-driving rules”. Sa Pinas, bukod sa puwedeng magmaneho ang babae, siya pa rin ang pinag-iintregahan ng suweldo ng lalaki tuwing akinse at katapusan ng buwan.
Kaypapalad ng mga Pinay, di ba, Atty. Dong Badminton at Tata Clemen Bautista?
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment