Thursday, October 31, 2013

Pag 7:214 ● Slm 24 ● 1 Jn 3:13 ● Mt 5:112a

Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang mga ala gad. At nagsimula siyang magturo sa kanila:“Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga nagluluksa sa pagkat pagiginhawahin sila. Mapapalad ang mga di marahas sa pagkat mapapasakanila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sa pagkat kaaawaan sila. Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.”


PAGSASADIWA

At nagsimula siyang magturo sa kanila. – Malaking bahagi ng misyon ni Jesus ang pagtuturo. Sa ating kapanahunan, masasabi natin na marami sa ating mga nakikita at naririnig ay may kaakibat na pagtuturo. Sa mga karanasan ng tao, sa mga kuwento ng buhay, sa mga awiting naririnig, sa mga teleseryeng napapanood, at marami pang iba. Malaking hamon sa atin na alamin kung sino at alin ang tama ayon sa aral ng Panginoong Jesucristo. Sapagkat sa mga natutuhan natin nakasalalay ang ating tunay na kinabukasan. Sa pagdiriwang natin ngayon ng Dakilang Kapistahan ng mga Banal, ipinaaalala sa atin silang mga nakapakinig at nagsabuhay ng mga aral ni Kristo na nagsabing mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pag 7:214 ● Slm 24 ● 1 Jn 3:13 ● Mt 5:112a


No comments:

Post a Comment