Thursday, October 31, 2013

7 arestado sa hashish den

LA TRINIDAD, Benguet – Bumagsak sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang sinasabing mga sindikato ng ilegal na droga sa Sagada, Mountain Province, matapos ang matagumpay na pagsalakay kamakailan sa mga hashish den dito.



Nabatid kay PDEA Regional Director Ronald Allan DG Ricardo na pitong katao, kabilang ang dalawang may-ari ng drug den, ang nadakip sa bisa ng search operation sa magkahiwalay na lugar sa mga barangay ng Poblacion at Dagdag sa Sagada, Mountain Province.


Arestado sina Bugnosen Kimmayong Dogaw, 38, at Vincent Navarro, kapwa may-ari ng drug den; at sina Shayne Alarilla Gloria, 30; Jayvee Wailan Dalignoc, 21; Hansel Wacnang Baglinit; at John Paul Eyabang Salabao, 18 anyos. – Rizaldy Comanda


.. Continue: Balita.net.ph (source)



7 arestado sa hashish den


No comments:

Post a Comment