Wednesday, October 30, 2013

Signal no. 2 nakataas sa 6 lugar sa Northern Luzon

BAHAGYA pang lumakas ang bagyong Vinta habang papalapit sa kalupaan ng Pilipinas kaya itinaas na ng PAGASA ang signal number 2 sa 6 lugar sa Hilagang Luzon.


Nakataas ang public storm warning signal number 2 sa Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands, Isabela, Kalinga at Apayao.


Signal number 1 naman sa Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija at Batanes.


Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan si Vinta sa layong 610 kilometro silangan ng Iligan, Isabela o 645 kilometro silangan ng Tuguegarao City.


Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 85 kilometro bawat oras at pagbugsong nasa 100 kilometro bawat oras.


Kumikilos ito sa direksyong kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 23 kilometro bawat oras.


Huwebes ng hapon inaasahang tatama ito sa Cagayan.


Biyernes naman ng hapon ay lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.


The post Signal no. 2 nakataas sa 6 lugar sa Northern Luzon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Signal no. 2 nakataas sa 6 lugar sa Northern Luzon


No comments:

Post a Comment