Tuesday, October 29, 2013

Ayuda sa pamilya ng Pinay na namatay sa China ipinanawagan

HUMIHINGI ng tulong ang Philippine Medical Association (PMA) sa pamahalaan na ayudahan ang pamilya ng Pinay na namatay sa pagsalpok ng sasakyan sa Tiananmen Square sa Beijing, China.


Ayon kay PMA president Dr. Leo Olarte, kinilala ang namatay na si Dr. Lina Bunyi habang sugatan ang mister nito na si Dr. Nelson Bunyi.


Ang pamilya Bunyi ay nagbabakasyon lamang sa China.


Sinabi ni Olarte, base sa impormasyong kanilang natanggap na dinala sa ospital ang dalawang anak ni Dr. Bunyi.


Si Dr. Nelson Bunyi ay pediatrician, habang ang misis ay obstetrician-gynecologist sa Our Lady of the Pillar Medical Center sa Imus, Cavite province.


The post Ayuda sa pamilya ng Pinay na namatay sa China ipinanawagan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ayuda sa pamilya ng Pinay na namatay sa China ipinanawagan


No comments:

Post a Comment