Thursday, October 31, 2013

INAY, BABAYARAN KITA! (Ika-21 labas)

Kinabukasan, gulat na gulat si Manny dahil si Albert ang nagyayang magmeryenda matapos ang

kanilang klase. At hindi pangkaraniwang meryenda ang gusto ng matalik niyang kaibigan dahil

nagyaya sa fastfood kung saan sila madalas magmeryenda na siya ang gumagastos.


Bagama’t nagtataka, pinagbigyan ni Manny ang gustong mangyari ng matalik na kaibigan.


Nadagdagan ang kanyang pagtataka dahil hindi rin pangkaraniwang meryenda ang inorder ni

Albert kaya’t hindi napigilan ni Manny na mag-usisa. Ibig niyang malaman kung saan nagmula

ang perang gagastusin ng kaibigang wala pang trabaho at tulad niya, hindi pa nakakatapos ng

pag-aaral.


“Talaga bang nasa sarili ka?” Tanong ni Manny habang naghihintay sila sa pagdating ng order sa

isang mesang nasa sulok ng paborito nilang fastfood.


“Oo naman. . .” Mabilis na sagot ni Albert. “Anong akala mo sa akin, magtatawas o ispiritista na

sinasapian at nawawala sa sarili!”


“Hindi naman. . .” Sagot ni Manny. “Kaya lang talagang nagtataka ako dahil parang paldung-paldo ang dating mo ngayon!”


“Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng kaunting biyaya sa buhay!” Sagot ni Albert na dinukot ang wallet at binayaran ang meryendang inihatid ng waitress sa kanilang mesa.


“Hindi kita maintindihan!” Nagkakamot sa ulong wika ni Manny.


“Simple lang, tol. . .” Paliwanag ni Albert. “Pinahiram ako ng pera ni Mona!”


“Ibig mong sabihin, kayo na?” May bahid pagtatakang tanong ni Manny na diretsong nakatingin sa mata ng matalik na kaibigan.


Hindi sumagot si Albert sa tanong ng matalik na kaibigan. Sa halip, namutawi lang sa labi ang isang matamis, makahulugan at mahiwagang ngiti. Dahil matagal ng magkakilala at matalik na magkaibigan, kaagad natiyak ni Manny ang kahulugan ng kasagutan ni Albert.


Positibo ang sagot nito sa kaniyang tanong. Pagpapahayag na may relasyon na ang matalik na

kaibigan at biyudang dati niyang karelasyon. Dahil nakakuha siya ng batang karelasyon,

gumawa siya ng paraan upang matapos ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa matalik na kaibigan. Hindi naman siya nabigo sa gustong mangyari, dahil nagkaroon ng relasyon ang dalawang pinagkuros niya ang landas sa isang fastfood.


“At ang perang ito, bigay sa ‘yo?” Dagdag na tanong ni Manny. “Tama ba ako?”


“Hindi bigay, ipinahiram!” Sagot ni Albert. “Bayaran ko na lamang daw kapag nakaluwag!”


“Tol, sabi lang niya ‘yon, para ka namang bago ng bago sa mga babae!” Natatawang wika ni Albert. “Ibang bayad ang gusto nila. Alam mo na ‘yon o baka nga nangyari na!”


“Tama ba ako?” Muli, seryosong tanong niya sa kaibigang matalik.


“Hindi ka nagkakamali!” Sagot ni Albert na hindi inilihim sa matalik na kaibigan ang naganap sa kanila ng biyudang dati nitong karelasyon.


“Dapat mo nga akong iblow-out. Sige kain na tayo, nagugutom na ako!” Wika ni Manny na simulang kainin ang meryendang nasa kanilang harapan. Itutuloy


The post INAY, BABAYARAN KITA! (Ika-21 labas) appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



INAY, BABAYARAN KITA! (Ika-21 labas)


No comments:

Post a Comment