Ni Mary Ann Santiago
Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na sa halip na magingay ay magpakita na lang ng ebidensiya at kasuhan ang mga kandidato na umano’y sangkot sa vote-buying.
Dismayado si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. dahil marami aniyang nagsasalita tungkol sa pamimili ng boto ng maraming kandidato ngunit hindi naman nagpapakita ng ebidensiya ang mga ito.
“Sa salita maraming vote-buying, kaso walang ebidensiya, puro daldal, puro ingay,” sinabi ni Brillantes nang kapanayamin sa radyo.
“Kung talagang namili ng boto ang kalaban n’yo, kuhanan n’yo ng ebidensiya at kasuhan,” aniya.
Payo pa ni Brillantes, mas mainam kung huwag na lang mag-ingay at sa halip ay ibigay ang mga ebidensiya sa Comelec at sila na, aniya, ang bahalang umaksiyon sa mga ito.
Tiniyak din ni Brillantes na hindi patatawarin at di diskuwalipikahin ng Comelec ang mga kandidatong mapatutunayang guilty sa votebuying.
Samantala, sinabi naman ng poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na hindi lang cash ang maaaring gamitin sa pagbili ng boto kundi maging mga candy, prepaid load, pagkain at iba pa.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment