Thursday, October 31, 2013

Sigarilyo, banned sa 21-anyos

NEW YORK CITY (AFP)— Bumoto ang New York City noong Miyerkules para ipagbawal ang pagbebenta ng mga sigarilyo, e-cigarettes at tabako sa sinumang nasa edad 21, itinaas ang dating limitasyon sa edad na 18.


Bilang nauna sa ilang taon nang mahigpit na anti-smoking laws, ang lungsod ng 8.5 milyon ang naging pinakamalaking metropolis na nagtakda ng pinakamataas na age limit sa pagbibili ng sigarilyo.



Ang US federal age requirement sa pagbibili ng sigarilyo ay 18, na sa ilang estado ay itinaas sa 19 at sa ilang maliliit na komunidad sa 21. Kaagad na nilagdaan ni Mayor Michael Bloomberg ang batas, sinabing “Tobacco dependence can begin very soon after a young person first tries smoking so it’s critical that we stop young people from smoking before they ever start.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sigarilyo, banned sa 21-anyos


No comments:

Post a Comment