Tuesday, October 29, 2013

FOI, wala nang pag-asa

Isasantabi muna ng Senado ang deliberasyon sa Freedom of Information (FOI) Bill upang bigyang daan ang pag-apruba sa 2014 budget.


Ayon kay Senate President Franklin Drilon, kulang na sa oras para matalakay ang FOI bill bagama’t tiniyak niya na maaaprubahan ito sa Senado.



Aniya, wala siyang nakikitang problema para hindi ito makapasa, ang kakulangan lang ng oras ang dahilan para hindi ito maaprubahan ngayong taon.


Kasalukuyang naka-break ang dalawang kapulungan at magbabalik ang sesyon sa Nobyembre 18.


Balak ng Senado na gawing maghapon ang sesyon para matapos ang budget at ang iba pang mga panukalang batas na nakalagay sa “priority bill “ ng Palasyo. – Leonel Abasola


.. Continue: Balita.net.ph (source)



FOI, wala nang pag-asa


No comments:

Post a Comment