Thursday, October 31, 2013

6 pulis kinasuhan ng kidnapping

GENERAL SANTOS CITY – Kinasuhan na sa korte ang anim na pulis at isang kasamahan nito na itinuturong responsable sa

pagdukot ng tatlong negosyanteng Muslim sa South Cotabato noong Agosto 2012.


Kabilang sa mga kinasuhan sa sala ni Regional Trial Court Judge Lorenzo Balo ay sina SPO1 Felestino Reyes, PO3 Randy Galan, PO2 Francisco Castro, PO1 John Cesar Elisano, PO1 Julist Ocampo, PO1 Jeffrey Delarmente at Abdul Bashit Ishak.



Ang 7 ay nahaharap sa kasong kidnapping-for-ransom, robbery at carnapping bunsod ng pagdukot kina Mohamad Kuto, Albdul Maran Ibat at maybahay nitong si Zenaida noong Agosto 26, 2012.


Lahat na katalaga sa Philippine National Police (PNP) Regional Intelligence Group, puwersahang isinakay ng mga suspek ang mga biktima sa Toyota Hi-Lux pick up ng huli sa isang gasolinahan sa Barrio 2, Koronadal City.


Pinaniniwalaang pinagugatan ang kidnapping sa away sa negosyo ni Ishak at mga biktima, na kinalaunan ay nasagip ng pulisya sa Bansalan, Davao del Sur.


Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa provincial jail ng Koronadal City. – Joseph Jubelag


.. Continue: Balita.net.ph (source)



6 pulis kinasuhan ng kidnapping


No comments:

Post a Comment