Isang Pinay ang kabilang sa lima kataong nasawi, at tatlo ang Pinoy sa 38 nasugatan nang araruhin ng kotse ang mga
pedestrian sa Tiananmen Square sa Beijing, China, noong Lunes.
Batay sa pahayag ng Beijing Police, bukod sa nasawing Pinay ay namatay din sa aksidente ang driver at dalawang sakay sa kotse at isang lalaking turista mula sa katimugang lalawigan ng Guangdong.
Agad dinala ang mga sugatan, kabilang ang tatlong turistang Pinoy, sa pagamutan.
Hindi pa naglalabas ng komento ang gobyernong Chinese kaugnay ng insidente o kung may kaugnayan ito sa terror attack subalit agad na nagpulong para pabilisin ang imbestigasyon sa nangyari at matiyak ang seguridad sa kabisera.
Base sa pagsisiyasat ng awtoridad, nag-iba ng direksiyon ang kotse hanggang sa salpukin nito ang barriers at magliyab bago dumiretso sa main entrance ng Forbidden City na nasa hilagang bahagi ng Square, na pangunahing tourist attraction.
Samantala, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Raul Hernandez na makaaasa ng kaukulang tulong mula sa Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na biktima ng aksidente. – Bella Gamotea
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment