Tuesday, October 29, 2013

50 Cent, under probation sa kasong domestic violence

LOS ANGELES (Reuters) — Binigyan ang American rapper na si 50 Cent noong Lunes ng tatlong taong probation at 30

araw na community service ng Los Angeles prosecutors matapos akusahan ng paninipa sa ina ng kanyang anak at pagsira sa property nito sa kanilang away noong Hunyo.



Hindi na kinontra ng 38-anyos na rapper, Curtis Jackson ang tunay na pangalan, ang single count of misdemeanor vandalism at ibinasura naman ang tatlong vandalism counts at one count of misdemeanor domestic violence, pahayag ng spokeswoman ng Los Angeles Superior Court.


Ang Grammy winner ay inakusahan ng pagsipa sa pintuan ng condominium ng kanyang dating kasintahan, ang modelong si Daphne Narvaez na kilala rin bilang Daphne Joy, sa Toluca Lake community ng Los Angeles, paninipa sa kanya at pagsira sa isang muwebles, chandelier at television.


Ibinunyag na si 50 Cent ay nagkaanak kay Narvaez.


Kailangan din niyang magbayad ng $7,100 sa restitution at $2,390 multa.


Sinabi rin ng abogado ni 50 Cent na si Scott Leemon, na ang In da Club rapper ay dadalo sa counseling sessions.


Nakilala ang rapper sa kanyang 2003 debut studio album na Get Rich or Die Tryin’, na bumenta ng halos 15 milyong kopya sa buong mundo, isa sa best-selling rap albums of all time.


Nagbida rin siya noong 2005 sa semi-autobiographical film na may kaparehong titulo. Nagkaroon siya ng papel sa 2006 war drama na Home of the Brave at mapapanood kasama sina Nicolas Cage at John Cusack sa upcoming crime-thriller film na The Frozen Ground.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



50 Cent, under probation sa kasong domestic violence


No comments:

Post a Comment