CONCEPCION, Tarlac – Sinawing-palad na mamatay ang isang 59-anyos na pasahero ng Toyota Revo, na nawala sa kontrol at sumadsad sa malalim na kanal, na ikinasugat ng siyam na iba pa sa SCTEX Road sa Barangay Parang, Concepcion, Tarlac, gabi noong Oktubre 27.
Ayon kay PO3 Eduardo Sapasap, nasawi si Romeo Quilondrino, ng Bgy. Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan, samantala ginamot sa Tarlac Provincial Hospital sina Tirso Quilondrino, 44, driver ng Toyota Revo (WTA-651); Bryan, 31; Leonard, 3; Felomena Devosura; Conrado, 62; Lucia, 61; Ivan 11; Nacio Quilondrino; at Nenita Gonzales, 66, pawang ng Meycauayan, Bulacan. – Leandro Alborote
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment