Thursday, October 31, 2013

PNoy, walang balak bitawan ang DAP

Ni Ellson A. Quismorio


Wala umanong balak si Pangulong Benigno S. Aquino III bitawan ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) base sa kanyang binitawang pahayag sa telebisyon noong Miyerkules ng gabi.


Sinbai ni Anakapawis Rep. Fernando Hicap na ipinagtanggol lamang ni Aquino ang kanyang paggamit ng DAP habang iginigiit ng Pangulo na hindi ito “pork barrel” tulad ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), na umano’y ugat ng bilyong-bilyong pisong anomaly sa pamahalaan.



“The president clearly conveyed the message that he will never give up the presidential pork,” sinabi ni Hicap na kabilang sa Makabayan block, isang grupo ng mga militante sa Mababang Kapulungan.


“While he obviously expressed annoyance with the ‘Pork Barrel King’ tag linked to him, he staunchly defended DAP and presidential pork. Kulang na lang sabihin ng Pangulo na may utang na loob sa kanya ang taumbayan at dapat pang ipagpasalamat na ipinatupad niya ang DAP,” sinabi ni Hicap.


Ani mambabatas, hindi lamang korapsiyon sa DAP at PDAF ang kanilang ikinababahala subalit ang discretionary power ng Pangulo na gumamit ng milyung-milyong pisong halaga ng pondo.


“If it was for damage control or to get back at his political opponents, the President’s address will not erase the prevailing public opinion that corruption persisted under his presidency,” pahayag ng partylist solon..


“Aquino’s recent statements will further incense people’s actions to demand the abolition of the entire pork barrel system, including the presidential pork,” dagdag niya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PNoy, walang balak bitawan ang DAP


No comments:

Post a Comment