Wednesday, October 30, 2013

Biktima ng bagyong Santi sa Talavera, inayudahan ng TESDA

TUMANGGAP ng ayuda mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang libong pamilyang biktima ng bagyong Santi sa Talavera, Nueva Ecija.


Sinabi ni TESDA Regional Director Teodoro Gatchalian na ang mga relief goods ay naglalaman ng mga bigas, de lata, noodles, tubig at mga non-food items; ay ambag ng Technical-Vocational Schools sa buong Gitnang Luzon.


Bagama’t hindi mandato ng TESDA ang pamimigay ng relief goods, tungkulin pa rin ng bawat ahensya ng pamahalaan, ng bawat Pilipino na tumulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.


Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng pamahalaang bayan ng Talavera bilang pagpili sa kanila upang handugan ng tulong.


Sinabi ni Mayor Nerivi Santos-Martinez na bagama’t nahuli ay makatutulong ito sa muling pagbangon ng munisipyo mula sa delubyong iniwan ng bagyo na sumira ng humigit kumulang P200 milyon halaga ng ari-arian, imprastraktura, at sakahan.


The post Biktima ng bagyong Santi sa Talavera, inayudahan ng TESDA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Biktima ng bagyong Santi sa Talavera, inayudahan ng TESDA


No comments:

Post a Comment