Thursday, October 31, 2013

‘Genesis,’ inilampaso ng ‘Honesto’

Ni Reggee Bonoan


PAOLO at Rikko INTERESADO ang publiko sa teleserye na naghahangad magbahagi ng kuwento tungkol pagbibigay halaga sa katapatan.


Naging No.1 agad sa national TV ratings at sa pagiging trending topic ang Honesto na pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN Sa resulta ng survey ng Kantar Media noong Lunes (Oktubre 28), nagtala ang Honesto ng 30.5% sa national TV ratings na 20 puntos ang lamang sa katapat nitong programa sa GMA na Genesis na nakakuha lang ng 10.5%.



Hindi nagkamali si Rondel Lindayag, ang main man ng thinktank ng creative department ng Dreamscape business unit ni Deo Endrinal, sa paglikha kay Honesto na inspired kay Pinocchio.


Dahil napapanahong isyu sa lipunang Pinoy ang katapatan at kabutihan, waging-wagi rin ang ‘tapat at totoong’ kuwento ng Honesto sa social networking sites tulad ng Twitter. Pinag-usapan at naging nationwide trending topic sa Twitter ang isa sa mga bida nito na si Paulo Avelino at ang hashtag na #HonestoPromisePilot.


Bumuhos ang positibong tweets tulad nitong mga sumusunod: “@LhieDeJesus: #HonestoPromisePilot Nakakatuwang isipin na may ganitong palabas. ‘Pinapakita ‘yung importansiya ng pagiging honest;” “@mybunny88:Maganda at mabilis ang takbo ng istorya. Napakagaling umarte ng buong cast. Tiyak na magiging patok ito! Congrats! #HonestoPromisePilot @mepauloavelino;” at “@JCMWalkersBC: Ang galing ng cast ng Honesto. Parang comedy na puno ng aral. #HonestoPromisePilot Sarap ng feeling ‘pag nagsasabi ng totoo.”


Samantala, tiyak na lalong susubaybayan ng televiewers gabi-gabi ang Honesto ngayong natuklasan na nina Felipe (Spanky Manikan) at Fina (Maricar Reyes) ang tunay na kulay nina Diego (paulo), Cleto (Nonie Buencamino), at Hugo (Joel Torre).


Kaabang-abang kungmababago pa ni Diego ang kanyang mga pagkakamali upang mapatunayan ang kanyang pag-ibig kay Fina o kung tuluyan na silang paghihiwalayin ng kasakiman at kasinungalingan ng kanyang pamilya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Genesis,’ inilampaso ng ‘Honesto’


No comments:

Post a Comment