Tuesday, October 29, 2013

Miron sa basketball, kritikal sa ligaw na bala

Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang binata nang tamaan ito ng ligaw na bala, matapos mamaril ang isang

grupo ng kalalakihan sa kanilang nakalaban sa basketball noong Lunes ng hapon.


Ginagamot sa Far Eastern University (FEU) Hospital si Patrick Ang, 23, residente ng Block 16, Lot 29, Shelter Ville, Barangay 171 ng nasabing lungsod, matapos tamaan ng bala ng cal. 45 sa katawan.



Ayon kay SPO1 Allan Budios ng Caloocan Police, bandang 3:00 ng hapon, nanonood ng basketball sa Shelter Ville covered court si Ang kung saan naglalaro ang grupo ng Shelter Ville Homeowners at Phase 10.


Naging pisikalan ang laro na humantong sa mainitang pagtatalo kung kaya napilitang umalis ang mga manlalaro at tagasuporta ng Phase 10. Subalit ilang minuto ang lumipas, bumalik ang mga ito at isa sa kanila ang armado na ng cal. 45.


Sa takot ng mga taga-Shelter Ville, nagtatakbo ang mga ito hanggang sa paputukan ng mga dayo at tinamaan si Ang. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Miron sa basketball, kritikal sa ligaw na bala


No comments:

Post a Comment