Wednesday, October 30, 2013

50 patay sa nasunog na bus sa India

PATAY ang 50 katao matapos masunog ang isang bus sa estado ng Andhra Prades sa southern India.


Nabatid na sakay ng luxury bus ang 50 pasahero mula sa Bangalore City nang mangyari ang insidente.


Masuwerteng nakaligtas sa insidente ang pitong katao kabilang ang driver ng bus matapos basagin ang mga bintana at doon tumalon palayo sa nagliliyab na bus.


Lumalabas sa imbestigasyon na bumangga ang bus sa isang lane divider na nagresulta sa pagliyab ng fuel tank.


Karamihan sa mga namatay ay yaong mga natutulog sa biyahe.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang bus driver at konduktor nito na tinangka pang tumakas sa gitna ng insidente.


The post 50 patay sa nasunog na bus sa India appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



50 patay sa nasunog na bus sa India


No comments:

Post a Comment