Tuluyan nang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Vinta.”
Ipinahayag ni weather forecaster Chris Perez ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang tatama ito sa Isabela sa Huwebes.
Ang bagyo ay may lakas na 55 kilometro kada oras habang tinatahak nito ang Philippine Sea.
Si “Vinta” ay huling namataan sa layong 1,000 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes at gumagalaw pa-kanluranhilagang kanluran sa bilis na 26 kilometro kada oras.
Inaasahang tatawirin nito ang Northen Luzon kung hindi ito magbabago ng direksiyon.
Sa pagtaya pa ng PAGASA, lalabas ng bansa ang bagyo sa Biyernes pero magdudulot pa rin ito ng ulan sa Undas. – Rommel P. Tabbad
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment