Wednesday, October 30, 2013

Lalaki, isinumbong ng kinikilan, arestado

TARLAC CITY— Nahaharap ngayon sa kasong robbery- extortion ang isang 46-anyos na lalaki na nangikil sa isang negosyante sa Barangay Salapungan, Tarlac City kamakalawa ng tanghali.


Sinabi ni PO3 Eduardo Hipolito, may hawak ng kaso, na inaresto sa kasong extortion si Rhollie Guillermo, alias Antonio Matamu, ng nakatira kapwa sa Barangay San Pedro, San Simon, Pampanga at Barangay Saong, Marilao, Bulacan.



Ang biktima ay kinilalang si Alfonso Tanedo, 39, ng Salapungan, Tarlac City na hinihingan ng suspek ng P1,000 para sa diumano’y proteksiyon ng kanyang negosyo.


Ayon sa report, nagtungo si Guillermo sa junk shop ng biktima at nagkunwang empleado ng SSS Stronghold Styeel Corporation na may business address sa Paligui, Apalit, Pampanga bilang Magnet Crane Operator. Nagbanta ang suspek na kung hindi maibibigay ni Tanedo ang hinihinging halaga ay magkaka-problema ang negosyo nito sa delivery. – Leandro Alborote


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Lalaki, isinumbong ng kinikilan, arestado


No comments:

Post a Comment