Tuesday, October 29, 2013

POC, magpapamisa para sa mga namayapang pinuno ng NSAs

Isasagawa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang isang misa para sa apat na yumao nitong miyembro na mga pangulo ng iba’tibang national sports associations (NSAs) sa Multi-Purpose Hall ng PhilSports Arena.



Ang misa ay bilang paggalang kina Dr. Sim Chi Tat, pangulo ng Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF); Toti Lopa na presidente Philippine Bowling Congress (PBC), si Hector Navasero na pangulo ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) at panghuli si Sultan Jamalul Kiram III ng Sepak Takraw.


“It is just right to offer them a mass for the repose of their good souls,” sabi lamang ni Cojuangco.


Ang POC ay mayroong kabuuang 52 regular na miyembro at associate habang ilan din ang kasalukuyang umaasam na maging miyembro. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



POC, magpapamisa para sa mga namayapang pinuno ng NSAs


No comments:

Post a Comment