Nagpaabot ng pakikiramay ang MalacaƱang sa naiwang pamilya ni dating Chief Justice Andres Narvasa na sumakabilang buhay kahapon sa edad na 84.
“Kaisa natin ang buong sambayanan sa pakikidalamhati sa pamilya ng pumanaw na dating Supreme Court Chief Justice Andres Narvasa kaninang umaga,” sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr .
“Nagbibigay-pugay tayo sa kanyang matapat na paglilingkod sa bayan bilang mahistrado, manananggol, at College of Law dean,” ayon kay Coloma. Itinalaga ng noo’y Pangulong Corazon Aquino si Narvasa bilang punong mahistrado ng Korte Suprema noong Disyembre 8, 1991. Isa si Narvasa sa associate justice na itinalaga ni Pangulong Corazon Aquino ilang buwan matapos ang February 1986 EDSA People Power Revolution.
Nagretiro si Narvasa sa Korte Suprema noong Nobyembre 30, 1998.
“Hinangaan ng buong bayan ang mahusay niyang pangangasiwa sa prosekusyon laban sa mga isinakdal hinggil sa assassination ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr. bilang general counsel ng Agrava fact-finding board na binuo upang siyasatin ang pagpaslang sa dating senador,” pahayag ni Coloma. – Genalyn D. Kabiling
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment