Thursday, October 31, 2013

Blackout sa Turkey sea tunnel

Istanbul (AFP)— Nilakad ng mga mga pasahero ng tren sa bagong tunnel ng Turkey sa Bosphorus ang kalahati ng biyahe noong Miyekules nang pumalya ang elektrisidad na ikinaantala ng serbisyo, isang araw matapos ang magarbong pagbubukas nito.


Ang 13.6-kilometre (8.5 mile) undersea tunnel sa Istanbul – ang una sa mundo na nag-uugnay sa dalawang kontinente, ang Asia at Europe, ay binigyan ng masigabong na inagurasyon noong Martes bilang “project of the century” ng gobyerno.



Ngunit dahil sa blackout, napilitan ang mga pasahero na iwanan ang tren, bago maayos ang problema at agad ding naibalik ang serbisyo.


“The failure occurred at 8:12 am (0612 GMT) and lasted two minutes. Passengers had to walk for 10 minutes on the tracks to reach emergency exits,” sabi ng isang opisyal sa ministry of transportation.


Ang tunnel, ang katuparan ng pangarap ng isang sultan 150 taon na ang nakalipas, ay bahagi ng three-billion euro transport project sa pinakamalaking lungsod ngTurkey, ang Istanbul.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Blackout sa Turkey sea tunnel


No comments:

Post a Comment