Wednesday, October 30, 2013

BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES MAGDIRIWANG NG IKA-77 ANIBERSARYO


Ang Boy Scouts of the Philippines (BSP), na pinakamalaking unipormadong kilusan ng kabataan sa bansa, ay magdiriwang ng kanilang ika-77 anibersaryo ngayong Oktubre 31, 2013. Sa 2.3 milyong miyembro nito, ang BSP ay isa sa pinakamalalaking Scout organization sa buong mundo. Miyembro ang BSP ng World Organization of Scout Movement at ng Asia-Pacific Scout Region. Ang motto ng mga scout na Pilipino ay: “Laging Handa!”



Maraming aktibidad ang mga scout na Pilipino upang itaguyod ang kapatiran at sportsmanship tulad ng camping, tree-planting, mga paligsahan, paglilingkod sa mga komunidad, mga parangal at programa ng pagkilala, at iba pang mga outdoor game. Idaraos ang anibersaryo sa isang parada ng Kid/Kab Scouts, Boy at Senior Scouts, Rover Scouts, at Scout Leaders sa mga bayan at lungsod para s isang araw bilang lokal na opisyal, na bahagi ng character building at citizenship training.


Habang tumataas ang ranggo ng mga scout, nagtatamo sila ng mge merit badge na makatutulong sa kanilang pumili ng hobby o life work. Ang mga badge ay simbolo ng mga layuning bumuo ng pagkakaibigan, magdulot ng kaligayahan, gumawa ng mabuti, at mamuhay na naayon sa pamantayan ng Scout Oath and Law. Magdaraos ng annual search ang BSP, na ngayon ay nasa ika-24 taon na, para sa 2013 Ten Outstanding Boy Scouts, at maggagawad ng Eagle Scout Badge o ng Jose Rizal Scout Badge, ang pinakamataas na ranggo na inaasinta ng mga senior scout. Pinatitibay ng scouting ang kabataang Pilipino – sa espiritu, sa pag-uugali, pisikal at talino – at hubugin sila bilang responsable, sumusunod sa batas at kapakipakinabang na mamamayan. Nakapagdulot na ang BSP ng mga leader, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa World Scouting. Inihahanda nito ang kabataan sa responsableng pamamahala, na ginagawbayan ng mga prinsipyo ng scouting.


Itinatag ang BSP noong Oktubre 31, 1936 sa bisa ng Commonwealth Act No. 111 na nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon. Si American businessman Joseph Emile Hamilton ang unang National President ng BSP mula 1936 hanggang 1942. Ang Pilipinas ay naging independent scouting nation noong 1938, nang nagparaya ang Philippine Council ng Boy Scouts of America sa BSP. Unang lumahok ang Pilipinas bilang independent scouting country sa 6th World Scout Jamboree sa Moisson, France noong 1947. Ang 10th World Scout Jamboree, ang una sa Asia, ay idinaos sa Mt. Makiling sa Los Baños, Laguna noong 1959.


Binabati natin ang Boy Scouts of the Philippines sa pangunguna nina Pangulong Benigno S. Aquino III at National President nitong si Vice President Jejomar C. Binay sa pagdudulot ng inspirasyon sa kabataang Pilipino na lumahok sa gawain ng pagpapaigting ng mga komunidad sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES MAGDIRIWANG NG IKA-77 ANIBERSARYO


No comments:

Post a Comment