Tuesday, October 29, 2013

Kris-Renz loveteam may fans club na

Ni Nora Calderon


DALAWANG movies na ididirek sana ni Gil Portes para kay Kris Bernal ang nawala sa kanya, una ang sexy indie film na Tag-araw Sa Buhay ni Twinkle na napunta kay Ellen Adarna at pangalawa ang Miss X na kukunan sana ang kabuuan sa

Amsterdam.



Hindi ba siya nanghihinayang?


“Hindi naman po, siguro hindi para sa akin iyon,” sagot ni Kris sa set visit namin sa kanyang romantic-comedy series na Prinsesa ng Buhay Ko. “Napalitan po naman nitong bago kong series at thankful ako sa GMA-7 at sa co-producer namin ng ini-endorse kong produkto dahil maganda ang ratings namin at masaya ang fans namin ni Aljur. At meron na rin akong bagong fans club, ang KRenz ng fans namin ng isa ko pang leading man, si Renz (Fernandez), nakakatuwa.


“Matagal po kasi kaming hindi nagtambal ni Aljur kaya worth the wait naman itong bago naming soap. May limitations po ang endorser ko at okey lang ‘yon sa akin, pero gusto ko pa rin pong makatrabaho si Direk Gil if given another chance.”


Alam ba ni Kris na nag-aaway ang fans nila ni Aljur at ang fans nina Aljur at ng girlfriend nitong si Kylie Padilla?


“Opo, pero ini-explain ko naman sa kanila na friends kami ni Kylie at ‘nirerespeto ko ang relasyon nila ni Aljur, kaya sana ay irespeto rin nila ‘yon. ‘Yon nga lang, hindi ko rin po makontrol na magsalita sila kapag may nakikita o naririnig sila na hindi maganda na sinasabi nila sa akin. Hopefully po, maayos namin ito ni Aljur lalo pa at malapit na ang concert niya sa November 7 ng Come and Get Me sa Music Museum sa November 7 na isa ako sa guests,” natatawang wika pa ni Kris. “Kami po naman ni Aljur, hang gang sa pagiging magka-love team lang talaga at dapat maintindihan ‘yon ng fans. Masaya at very comfortable kaming magkatrabaho dahil ang dami na naming pinagsamahang shows at naging successful namang lahat, tulad nitong Prinsesa ng Buhay Ko.


Totoo ba ang nababalita na extended hanggang January ang kanilang rom-com series.


“Iyon nga po ang magandang balita, hindi lang para sa aming mga artista kundi sa production staff din. Ibig sabihin, may work po kaming lahat sa Christmas at New Year.


” Marami pa kasing mangyayari sa love story nina Princess (Kris), Nick (Aljur) at Luis (Renz). Alam po naming wish ng mga makaPrincess at Nick na maging sila na lalo pa at nagkakalabuan na sina Princess at Luis. Pero paano naman si Kate (LJ Reyes) na girlfriend ni Nick? Basta po, marami pang mangyayari dahil hindi pa alam ni Princess na ang childhood friend na nang-iwan at hindi na siya binalikan sa orphanage ay si Nick. At nagpapasalamat kaming lahat kay Direk Dondon Santos

dahil mahusay siyang mag-handle ng mga artista niya.”


Kailan naman niya aaminin ang tungkol sa kanila ni Carl Guevarra na balitang boyfriend na niya?


“Iyon po naman ang desisyon naming dalawa, wala namang nagbabawal sa amin, nagkikita kami, lumalabas na magkasama, personal na namin ‘yon at sana ay private na lamang kung anuman meron kami,” parang pag-amin na ring sagot ng pretty Kapuso star.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kris-Renz loveteam may fans club na


No comments:

Post a Comment