Wednesday, October 30, 2013

Biyenan na bumoga sa manugang, tinutugis

HINAHANTING na ng pulisya ang isang lalaki na bumaril sa kanyang sariling manugang sa Quezon, Miyerkules ng gabi.


Kahit hindi pa nahuhuli ng pulisya ang suspek na si Deody Devida na bumaril sa kanyang manugang na si Peter Martos, 37, ay sinampahan na ito ng kasong frustrated homicide at ngayon ay tinutugis na para panagutin sa insidente.


Naganap ang insidente alas-9:35 ng gabi sa bahay ng suspek sa San Narciso, Quezon.


Sa imbestigastyon ng Quezon Police Provincial Office, kinompronta ng suspek ang kanyang manugang dahil sa matagal na alitan.


Dahil kargado ng alak at nangibabaw ang galit, binaril ng suspek ng kanyang dalawang kalibre 45 ang kanyang manugang na tinamaan sa paa.


Matapos ang insident ay tumakas si Devida.


The post Biyenan na bumoga sa manugang, tinutugis appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Biyenan na bumoga sa manugang, tinutugis


No comments:

Post a Comment