Thursday, October 31, 2013

Climate change, ramdam sa Mindanao

ISULAN, Sultan Kudarat – Nangangamba ang matatandang residente sa Koronadal City at maging ang nasa karatig na mga barangay sa Tantangan, South Cotabato, dahil ngayon lamang nila naranasan ang baha sa kanilang lugar na ang rumaragasang tubig ay nagmula sa bundok.



Anila, malinaw na nangangahulugan ito ng pag-abuso sa kabundukan, sa bahaging nag-uugnay sa lalawigan sa Sultan Kudarat sa pamamagitan ng Mount Daguma.


Sa panayam, sinabi ni Jerry Dalauta ng Sultan Kudarat Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na higit siyang naniniwala na dahil ito sa climate change, inaming inaabuso ng ilan ang likas yaman sa nasabing bahagi ng lalawigan. – Leo P. Diaz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Climate change, ramdam sa Mindanao


No comments:

Post a Comment