Thursday, October 31, 2013

Toroman, nilisan ang Barako Bull

Habang nasa planning session ang mga miyembro ng Philippine Basketball Association (PBA) board of governors sa Australia, muli na namang nagkaroon ng hindi inaasahang kaganapan sa bansa matapos ang biglaan pagbaba sa puwesto ni Serbian coach Rajko Toroman bilang consultant ng Barako Bull noong nakaraang Miyerkules.



Bunga nito, agad na may naglabasang pangalan para pumalit sa nasabing posisyon na nabakante ni Toroman na kinabibilangan nina Petron Blaze assistant coaches Leo Austria at Koy Banal.


Ngunit mabilis naman itong itinanggi ng dalawa sa pagsasabing wala namang anumang pahiwatig at wala kahit na isa na lumalapit sa kanila at nakipag-usap tungkol sa isyu.


“Matagal na naming naririnig iyan, last conference pa. Pero wala namang kumakasuap sa akin,” pahayag ni Banal na siya ring head coach ng Arellano University sa NCAA.


“Semis pa lang ng Governors’ Cup naririnig ko na iyan,” ayon naman kay Austria.


“Pero hanggang ngayon wala pa namang kumakausap sa akin,” ayon naman kay Austria.


Gayundin sinabi ng dalawang coach na kung sakali mang totoo, pag-iisipan muna nilang mabuti kung ano ang gagawin nilang hakbang bago tanggapin ang nasabing posisyon. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Toroman, nilisan ang Barako Bull


No comments:

Post a Comment