Wednesday, October 30, 2013

Istilong chop-chop kay Napoles

Naniniwala si Sen. Aqulino Pimentel III na sa istilong “chop-chop” ay makukuha ang Senado ang mga nais malaman mula kay Janet Lim-Napoles kaugnay sa P10 billion pork barrel scam.


Ayon kay Pimentel, ito ang isa sa mga nakikita niyang paraan sakaling ipilit ni Napoles na hindi magsalita gamit ang “right against self-incrimination” sa ilalim ng Saligang Batas.



“The trick was not to force the truth out of the alleged pork barrel queen, but to piece together all the testimonies of her erstwhile employees who have turned into whistle-blowers,” paliwanag ni Pimentel.


Nakatakdang dumalo si Napoles sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee sa Nobyembre 7.


“We can get to the bottom of the truth without her testimony,” ayon kay Pimentel, kasapi ng Blue Ribbon committee. – Leonel Abasola


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Istilong chop-chop kay Napoles


No comments:

Post a Comment