Itinaas na sa public storm warning Signal No. 1 ang 13 na lalawigan sa Northern Luzon bunsod ng bagyong “Vinta.”
Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa isinailalim sa Signal No. 1 ang Cagayan, Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Benguet, Ifugao, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino at Nueva Ecija.
Ayon sa PAGASA, patuloy na lumalakas ang bagyo habang papalapit ng bahagi ng Isabela-Cagayan area.
Taglay ni “Vinta” ang hangin na may lakas na 75 kilometro kada oras at bugsong 90 kilometro bawat oras.
Ang bagyo ay huling namatan sa layong 700 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras.
Nagbabala rin ang PAGASA sa mga residente sa nasabing mga lugar sa posibleng pagguho ng lupa at pagbaha. – Rommel P. Tabbad
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment