Thursday, October 31, 2013

Isabelle at Mikael, bida sa ‘Wagas’

Ni Nora Calderon


ISABELLE Daza IHAHATID ng weekend romantic program ng GMA News TV na Wagas ngayong Araw ng mga Kaluluwa ang isang kuwento ng tunay na pag-ibig na hanggang kamatayan.



Hindi pa sumasapit sa harap ng altar sina Annalyn at Ronnick nang nagkaroon ng wakas ang kanilang pagsasama. Isang araw bago ganapin ang kanilang pinakahihintay na kasal, naaksidente at pumanaw si Ronnick. Pero labis ang pagmamahal ni Annalyn kay Ronnick, kaya labag man sa kagustuhan ng marami ay itinuloy ng dalaga ang pagpapakasal sa nobyo kahit ito ay nakahimlay na sa kabaong.


Tampok sina Isabelle Daza at Mikael Daez, panoorin ang totoong kuwento ng wagas na pag-ibig na naging laman ng mga balita noong 2012, at unawain ang kakaibang kahulugan ng pag-ibig hanggang kamatayam.


Huwag palampasin ang nakaaantig na kuwentong Pag-ibig Hanggang Kamatayan ngayong Sabado, 7:00 PM, sa Wagas, sa GMA News TV.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Isabelle at Mikael, bida sa ‘Wagas’


No comments:

Post a Comment