Wednesday, October 30, 2013

Jeepney driver inutas ng pasahero sa Taguig

PATAY ang 36-anyos na jeepney driver nang barilin nang malapitan ng kanyang pasahero kagabi sa Taguig City.


Dead on the spot si Christpher Enclona, ng Bayabas St., Sto Niño, Brgy Western Bicutan sanhi ng isang tama ng bala sa mukha na tumagos sa kanyang ulo.


Sa imbestigasyon, sakay ng biktima ang hindi pa kilalang suspek at tumatahak sa kahabaan ng C-5 Road alas-9:40 ng gabi nang barilin sa mukha pagsapit sa Brgy. Pinagsama.


Sa pahayag ng live-in partner ng biktima na si alyas Gina, dalawang araw bago mangyari ang pamamaslang ay may nakaaway umano ang namatay dahil sa gitgitan ng sasakyan.


Sa gitna ng mainitang pagtatalo, bumunot ng baril ang nakaaway ng namatay at pinagbabaril ang biktima na masuwerteng hindi tinamaan makaraang maitakbo kaagad niya ang ipinapasadang sasakyan.


Dalawang araw na hindi pumasada ang biktima matapos lagnatin subalit nang muli siyang pumasada ay nangyari na ang pamamaslang.


The post Jeepney driver inutas ng pasahero sa Taguig appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Jeepney driver inutas ng pasahero sa Taguig


No comments:

Post a Comment